Family & Social Issues, Education & Culture, Life & Celebrations!
Bayan Ko
Filed under: Musings

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Inaamin kong isa ako sa mga Pilipinong nawawalan na rin ng pag-asa sa ating sariling bayan.

Wari’y wala na akong maramdamang pagmamahal sa bayang aking sinilangan. Kahit pa marinig ko ang Lupang Hinirang na kinakanta kung saan… kahit ano’ng gawin ko - hindi ko na mahagilap ang kahulugan ng salitang ‘makabayan’.

Nguni’t sa hindi maipaliwanag na dahilan - sa tuwing maririnig ko ang kantang ‘Bayan Ko’, biglang nabubuhay na muli ang nagtatampong damdaming ito… At muli, gumagapang ang kilabot sa aking buong katauhan… at sumisilip ang pag-asa… at nakikintal sa aking puso’t isipan… oo nga pala… ito ang aking mahal na Inang Bayan!

Kay sarap mabuhay, sa sariling bayan
Kung walang alipin, at may kalayaan.
Ang bayang sinisikil, bukas ay babangon din
Ang silanga’y pupula, sa landas ng paglaya!

rhodora @ 9:50 pm

27 Comments for 'Bayan Ko'

  1.  
    June 12, 2007 | 5:03 am
     

    hi rhod!! hay now lang ulet ako nakadalaw dito sa bahay mo ah :)

    hey, don’t lose hope… may pag-asa pa tayo.. have faith. :)

  2.  
    June 12, 2007 | 5:17 am
     

    waaaaaaa.. this is my second comment… bakit kaya ndi nasi-save yung mga comments ko?? waaaaaaaaaaaaaa..

    anyway.. hi rhod!!!! now lang me ulet nakadalaw sa bahay mo :) musta ka na??? hey don’t lose hope.. may pag-asa pa ang pilipinas.. ewan ko ba basta malakas ang paniniwala ko.. may pag-asa pa tayo, kahit ano pa ang mangyari..

    go pinoy! :)

  3.  
    June 12, 2007 | 10:17 am
     

    sometimes, i tend to lose hope, pero nilalakasan ko na lang ang loob ko. ni isa sa aking mga anak, walang gustong mangibang bansa, so i told myself, dapat hwag mawalan ng pag-asa, para sa kanilang magandang kinabukasan.

    mabuhay ang Pilipinas! masarap dito sa ating bayan.

  4.  
    June 12, 2007 | 12:08 pm
     

    Someone in gmail chat asked me why i was home and i said it was a holiday and he asked what kind and i told him. The person said “Happy independence day.” I didn’t ask “what was to be happy for,” which was what I wanted to say instead of the “thank you” i forced myself to type.

    But this post of yours is a conk on the head. Thank you, Rhoda.

  5.  
    June 12, 2007 | 12:48 pm
     

    I’ve similar sentiments as tita annamanila. What’s to be happy for? We could’ve done better if we’re under some country… then again maybe not.

    Thanks for this post, tita. Made me realize that somehow, there is hope for the country and I should just look closely to see it.

    Happy Tuesday po! :)

  6.  
    June 12, 2007 | 5:08 pm
     

    Rhodora, there is always hope, diba? =)

    ours is not a perfect country, but if we give up on it, then what will its future be? so continue we must, make small changes and fight for our country’s cause our own small way.

    p.s. i love that song.

  7.  
    ai
    June 12, 2007 | 5:46 pm
     

    Its been awhile not visiting your munting tahanan…ngunit datapwa’t andito ako.. nabasa ko salamuha mo po sa ating inang bayan…I for one had the same predicament sometimes..but now that I am living away from Pinas..mas lalo kung napamahal ang bayan natin.. kakalungkot lang isipin minsan the things that has been going on in our country today…but there’s still always hope. Take care poh!

  8.  
    June 12, 2007 | 8:36 pm
     

    Isa rin ito sa mga pinakapaborito kong makabayang kanta. Napaka-angkop para sa araw ng kalayaan.

    Mabuhay ang Pilipinas!

  9.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 8:52 pm
     

    Jhenny! Long time no bloghop!

    Yes, I guess, dapat ganun na nga lang - huwag mawalan ng pag-asa.

  10.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 8:54 pm
     

    Dine, alam mo, minsan kapag feeling hopeless na ako sa mga nangyayari sa bansa natin, I encourage my kids and nephews and nieces to train their sight overseas. Di naman siguro ako masisi, dahil talaga namang nakakadismaya…. :(

  11.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 8:56 pm
     

    Anna, I believe the ‘makabayan’ in all of us is always there. Natatalo lang kung minsan ng frustration sa mga pangyayari sa paligid natin.

  12.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 8:58 pm
     

    Sasha - iyan ang isa sa mga tungkulin nating mga mamamayan - ang bantayan ang ating inang bayan, at kung tumulong sa ating munting paraan para sa ikabubuti at ikauunlad nito.

    Thanks! Hope you have a great whole week! :)

  13.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 8:59 pm
     

    Oh, Sheilamarie! I love your post on Independence Day celebration of Filipinos in Nigeria. Makes me proud of you fellow Filipinos. So touching too…. yes, there is hope, I so believe too. :)

  14.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 9:02 pm
     

    Naku, Ai! Kumusta ka na? Lapit na ang dating ng baby mo!

    Oo nga, yan ang madalas kong marinig - na kapag nasa ibang bansa ka, mas mararamdaman mo ang pagmamahal sa sariling bansa… :)

    Ingat ka, Ai! God bless you in your coming date with the stork! :)

  15.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 9:05 pm
     

    Kathy, pareho tayo. Tumatayo ang mga balahibo ko kapag kinakanta ito. Nagigising talaga ang aking pagka makabayan…. Talagang angkop ito sa araw ng kalayaan dahil sa makasaysayang bahagi nito sa mga nakaraang rebolusyon laban sa mga dayuhan, at ang pinakahuli, ay ang laban sa diktatorya ni Marcos… :)

  16.  
    rhodora
    June 12, 2007 | 9:06 pm
     

    Maraming salamat, mga kaibigan sa inyong pagdalaw at pagbahagi ng inyong mga pananaw.

    Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang ating Inang Bayan!

  17.  
    June 12, 2007 | 10:24 pm
     

    Pag naririnig ko yang Bayan ko especially pag magaling ang pagkanta, tumataas pa rin balahibo ko. Napaka patriotic kasi at ramdam talaga sa kalooblooban. Ako proud pa rin sa pinas kasi despite sa political at peace and order, dami pa rin pwedeng ipagmalaki.

  18.  
    June 12, 2007 | 11:27 pm
     

    Somebody should tell those singers like Sarah Geronimo to stop singing our national anthem like it was a pop song… may pa-belting pa kuno.

    Oh and, belated Happy Independence day nga pala…

  19.  
    LAR
    June 13, 2007 | 4:41 am
     

    Marami na ang nawawalan nang pag-asa sa bansa natin at isa na ako. Hindi mahirap intindihin kung bakit pero nakakatuwang isipin na ang bawat pilipinong nakakaramdam ng ganito, umuusbong pa rin ang pagmamahal sa bayan. Napapagod umasa ngunit muling aasa. Pilipinas… nawa’y unti-unti kang bumangon at sa pagbangon mo, nawa’y katulong mo ang bawat Pilipino!

    Huwag nating talikuran ang mahal nating bayan… tayo ang bumubuo nito. Sa atin magmumula at matatapos ang kahihinatnan nito.

  20.  
    bw
    June 14, 2007 | 6:45 am
     

    A beautiful and timeless patriotic song… kahit saang lupalup ng mundo ka when you hear this song you feel the breath and warmth of our motherland :) Pinas forever pa rin :)

  21.  
    June 14, 2007 | 10:22 am
     

    Maaaring nawawalan tayo ng pag-asa sa ating bansang sinilangan dahil sa mga kapalpakan at kawalan ng respeto sa batas ng ilan. Ngunit saa’t saan pa man tayo madako, ito pa din ang ating sariling bansa, ang ating Inang Bayan na kumakalinga sa atin pati ang ating mga kamalian at kabutihang-asal.

    Marahil tayo ay nawawalan ng pag-asa sa mangilan-ngilang mga nilalang na gumagawa ng masama pero ating tandaan na ang kabutihan ay nagmumula sa ating puso at wala sinuman ang maaaring kumuha nun mula sa atin. Ito din ay magsisilbing halimbawa upang maging mas mapayapa at kaiga-igaya ang ating pamumuhay.

    Mabuhay tayong mga Pinoy!

  22.  
    June 14, 2007 | 12:38 pm
     

    Don’t lose hope. Ang Kabataan ang pag asa ng bayan. Trust us… the youth. YEHEY!

  23.  
    June 14, 2007 | 4:30 pm
     

    ahhhh I can totally relate…goosebumps! oh well…sana nga may pag asa pa

  24.  
    bw
    June 15, 2007 | 6:51 am
     

    Dunno but I lost my comments… here again…

    Our being Pinoy is something that will stay with us in our lifetime no matter where we are :) Pinas forever !

  25.  
    June 15, 2007 | 10:46 am
     

    I hope remembering the lyrics of this song will spur those of us who love our homeland into action. Each person can do something that will collectively amount to something.

    BTW Rhodora, left msg on your gmail re a planned yoga class this Tues June 19. Got 3 bloggers coming na….join ka?

  26.  
    June 15, 2007 | 7:10 pm
     

    don’t lose hope

    it’s the one always to remain, isn’t it?

    but then again…

  27.  
    June 15, 2007 | 8:16 pm
     

    Nung panahon nga ng pinakaunang rebolusyon na naganap sa EDSA, paulit ulit itong tinutugtog sa lansangan na kasabay ang gitara, at habang naririnig ko yon, labis labis ang aking pagkagalak at tuloy na sumagana pa mas lalo ang aking makabayan na damdamin.

    There were even talks there that perhaps, this song should have been our national anthem if not for Lupang Hinirang…

Leave a comment

(required)

(required)


Instruction for comments :

You can use these tags:
XHTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>



RSS Feed for comments | TrackBack URI