Family & Social Issues, Education & Culture, Life & Celebrations!
“Nasa TV kami!” - (Volkswagen Club of the Philippines Pangasinan Chapter)
Filed under: Events

‘SENSIYA na mga kaibigan, pero kailangan ko lang gawin ito.

Kahapon ay “nakipaglaro” na naman ang aking mahal na esposo at anak sa mga kapareho nilang bug enthusiasts. Pero ibang level namang laro ito dahil na-feature sila sa ABS-CBN local channel 32 sa morning show na “Gandang Umaga Kapamilya” at isiningit din sa isang segment sa main studio sa Manila. Hindi ko napanood kasi tinanghali ako ng gising dahil ako’y napuyat sa kae-edit ng restaurant review ng aking mahal na anak na dalaga. Nagising na lang ako sa sunod-sunod na text messages sa cellphone ko:

“Momi, ur hubby is on G.U.K. sa ABS.” (klasmeyt ko sa Law)

“Ini-interview si boss ngayon. Pakisabi ilapit microphone.” (kasamahang peryodista)

“Si __! nasa TV!” (ate ko)

“Ma, we’re on TV!” (Aypee)

Nagmamadali kong binuksan ang telebisyon pero di ko na naabutan. Hmmm.. hindi bale, may susunod pa naman dahil sa December, sa fiesta ng Dagupan, eh - magkakaroon ng grand car show, project ng bagong vice mayor ngayon na si Belen Fernandez. At ito’y iko-cover naman yata ng GMA 7.

Si Vice Mayor Belen ang may-ari ng pinakamalaking chain of supermarkets sa Pangasinan, La Union at pati na rin sa Baguio. Ito ang CSI group of companies. At siyempre, dahil maraming contact si Vice Mayor, siguradong may malaking sponsor dito na isang car company. Naku, sana manalo ako sa raffle ng isang Fortuner, Chevvy, o kaya ay Camry. Ay, kahit na ano basta huwag lang volkswagen. hehehe.

Sige na, mga friends - di ko na kayo bibitinin. Narito na ang mga pictures na napilitan akong i-post dito dahil kinukulit ako ng anak ko.

group

TV hosts at mga miyembro ng VW club of the Philippines Pangasinan Chapter

bugs

Kinukunan ng TV camera man ang mga kotse

aypee's car
Kotse ni Aypee itong kinukunan ng TV camera man


bugs

Alam ba ninyong mas mahal mag-maintain ng VW kaysa mga modelong sasakyan? Addicting kasi ito. At yung mga ibang enthusiasts ay hindi kuntento sa ordinaryong accessories lang - nago-order pa sila sa States ng mga original parts at accessories.

bugs

Kung nakikita ninyo yung brown na sasakyan na pangatlo mula sa kaliwa - The Thing ang tawag diyan. Ganyan daw ang gamit na sasakyan ni Hitler noong araw. At siyempre yung pangatlo naman mula sa kanan ay isang Karmahn Ghia. At yung kombi (VW version ng van) - loaded yan sa loob!


tv crew

TV crew

Hindi masyadong maganda ang pagkakuha ng mga pictures, e.. (Nokia 73 cam phone ang ginamit). Di bale, sa susunod, mas magagandang pictures ang ipo-post ko dito.

O, ayan, Aypee, anak - natupad ko na, ha. Sige na, mag-aral ka na hijo para ikaw ay makapasa sa Nursing board exam. Tama na muna yang laro. :)

rhodora @ 5:33 am

13 Comments for '“Nasa TV kami!” - (Volkswagen Club of the Philippines Pangasinan Chapter)'

  1.  
    October 18, 2007 | 9:35 am
     

    Nice!! Yung kharmann ghia…akin na lang :)

  2.  
    Joe
    October 18, 2007 | 11:47 am
     

    Hi Rhoda,

    Thanks for sharing Aypee’s VW show on TeeVee in Dagupan. A VW(fastback) lover here. Kakainggit!

  3.  
    rhodora
    October 18, 2007 | 1:24 pm
     

    Alam mo, Kongkong, yang Kharman ghia sa picture, ginamit ng may-ari niyan as bridal car on his wedding last May. Sayang, mas maganda sana kung convertible, noh?

  4.  
    rhodora
    October 18, 2007 | 1:29 pm
     

    Joe! I knew you would love this one. You were actually in my mind while posting this kasi alam kong maiinggit ka. hehe.

    VW’s are my husband’s addiction. But it’s not a cheap pastime, huh. :)

  5.  
    October 18, 2007 | 11:35 pm
     

    Swerte mo hindi vintage Mercedes Benzes o 65′ Ford Mustang ang pinag-kakaabalahan ng love mo. Mas masakit sa bulsa yun hehe. :-D

    BTW, those are great shots naman ah. Who says they aren’t good? Sino?? Sino?? :-D

  6.  
    LAR
    October 19, 2007 | 12:05 am
     

    Cool na laro! Kelan kaya ako makakapaglaro ng ganyang klase. I’m sure proud si Aypee sa car niya dahil nakaka-elib talaga. :)

  7.  
    rhodora
    October 19, 2007 | 12:15 am
     

    Naku, iiwan ko na siya, Sngl, pag yun ang pinagkaabalahan niya! hehehe.

    Salamat, anak ko ang kumuha ng mga pics na yan. :)

  8.  
    rhodora
    October 19, 2007 | 12:15 am
     

    Ako naman, LAR, hanggang toy car lang. hehehe.

  9.  
    gemnaika
    October 21, 2007 | 3:40 pm
     

    HOW COME NO ONE TOLD ME ANYTHING ABOUT THIS?! I’M COMPLETELY CLUELESS!! GGGGRRRR. =/

  10.  
    rhodora
    October 21, 2007 | 4:17 pm
     

    Gem: nyaahahahahahaha!

  11.  
    kenneth
    October 27, 2007 | 12:33 pm
     

    ang gaganda ng Vw nio naka2ingt nman..heheh.. ask q lng kng meron bng vw show dyn s dagupan dis october? tnx bugs mania…

  12.  
    camille
    October 27, 2007 | 12:36 pm
     

    hello po… ang gaganda ng volks ninyo… im a great fan of volkswagen cars… specially the so called “herbie” gnun din po ksi ung volks nmin mgasawa… anyway kailan po ba ung carshow ng mga volkswagen jan sa dagupan? gusto po nmin mkapunta…. hope may mgreply kaagad para mkarating po kmi….thank you so much po…. volks are the best!u

  13.  
    rhodora
    October 27, 2007 | 1:21 pm
     

    To Kenneth and Camille: VW Club of the Philippines Pangasinan chapter is hosting a show on October 31 at Gloria Jeans along Perez Blvd., Dagupan City, 7:00 p.m. :)

Leave a comment

(required)

(required)


Instruction for comments :

You can use these tags:
XHTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>



RSS Feed for comments | TrackBack URI